Mister na wanted sa rape sa Valenzuala, swak sa selda
- Published on June 11, 2025
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang sampung taon na pagtatago bago ng 42-anyos na kelot na nahaharap sa kasong panggagahasa matapos matiklo ng pulisya nang bumalik sa kanilang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Walang inaksayang panahon ang mga tauhan ni Valenzuela Acting Police Chief P/Col. Relly Arnedo nang matanggap ang impormasyon na muling namataan ang puganteng si alyas “Palos” sa kanilang lugar sa Brgy. Malinta kaya’t ikinasa kaagad ang police operation.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, may bitbit na warrant of arrest ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section nang isagawa ang pagsalakay sa bahay ng pugante dakong alas-9:30 ng gabi.
Ang warrant of arrest ay inilabas noon pang Disyembre 3, 2015 ni Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Nancy Rivas-Palmones ng Branch 172 laban kay alyas Palos para sa kasong Rape ng walang inirekmendang piyansa para sa sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police Station ang akusado habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Richard Mesa)