• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister na wanted sa pangmomolestiya sa minor sa Valenzuela, isinelda

KALABOSO ang isang mister na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos madakma ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, OIC chief ng Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa 52-anyos na lalaking akusado na residente ng lungsod.
Ayon kay Lt. Col. Gomez, ang akusado ay wanted sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) at paglabag sa Section 4(A) of Republic Act 9995 (Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009).
Dakong alas-8:00 ng umaga nang tuluyan masukol ng tumutugus na mga operatiba ng DSOU sa Brgy. Gen T D Leon ang akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Valenzuela police.
Hindi naman umano pumalag ang askusado nang isilbi sa kanya ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court, Family Court, Branch 16, noong August 8, 2025 n may inirekomendang piyansa na P180,000.00 at P42,000.00, respectively.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang utos mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuel City Jail.
Pinapurihan naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng NPD, ang dedikasyon at pagsisikap ng arresting units, na nagbibigay-diin na ang naturang operasyon ay sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng PNP sa pagdadala ng mga pugante sa hustisya. (Richard Mesa)