• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister, kulong sa baril at patalim sa Caloocan

KALABOSO ang 46-anyos na mister matapos inguso sa mga pulis na may dalang baril habang gumagala sa lansangan sa Caloocan City.
Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon ang East Bagong Silang Sub-Station 13 hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala sa Brgy. 176.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng SS13 sa naturang lugar kung saan nakita nila ang isang lalaki na tumutugma sa iniulat  ng caller at may hawak bitbit na baril dakong ala-1:00 ng madaling araw.
Maingat nila itong nilapitan bago sinunggaban ang hawak na kalibre 9mm pistol na kargado ng dalawang bala sa magazine.
Nang kapkapan, nakuha pa sa suspek na si alyas “Rudy” ang isang patalim (balisong) na naging dahilan upang bitbitin siya ng mga pulis.
 Kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), B.P. 881 (Omnibus Election Code), at B.P. 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed, or Blunt Weapons) ang isinampa ng pulisya sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)