• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:46 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister, kalaboso sa baril at pagbabanta sa delivery rider sa Valenzuela 

SA kulungan ang bagsak ng 59-anyos na lalaki matapos pagbantaan ang isang delivery rider habang nakatututok umano ang hawak na baril sa Valenzuela City, Lunes ng gabi.
Batay sa ulat ng Bignay Police Patrol Base 7 kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, paalis na sana ang 31-anyos na delivery rider sa kanilang tirahan sa Disiplina Village, Brgy., Bignay nang komprotahin ng suspek sa hindi malaman na dahilan.
Nagsisigaw umano ang suspek ng hindi magandang mga salita saka pinagbantaan papatayin ang biktima habang nakatututok ang hawak nitong baril.
Sa takot sa kanyang kaligtasan, kaagad humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Patrol Base 7, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:50 ng gabi.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Talento sa suspek ang isang kalibre .38 Smith and Wesson revolver na kargado ng apat na bala at walang kaukulang mga dokumento para sa ligaledad nito.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio ang arresting officers na sina PCpl Decster Esparagoza at Pat Pimentel Bolibol para sa kanilang kasipagan at professionalism na binibigyang-diin ang
hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)