Mister, isinelda sa hindi lisensyadong baril sa Caloocan
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
SA kulungan ang bagsak ng 50-anyos na mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Caloocan City.
Sa report ng West Grace Park Police Sub-Station (SS3) kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, positibo ang nakatanggap nilang ulat na nag-iingat umano ng baril ang suspek.
Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Glenda K. Cabello-Marin, ng Caloocan City Regional Trial Court para sa paglabag sa RA 10591, agad bumuo ng team ang SS3 sa pangunguna ni P/Lt. Melinda Ordoñez saka sinalakay ang bahay ng suspek
Dakong alas-12:50 ng hapon nang simulang halughugin ng mga tauhan ng SS3 ang bahay ng suspek sa Barangay 63 sa bisa ng naturang search warrant na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang kalibre .22 revolver na may tatlong bala.
Walang naipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng naturang baril kaya binitbit siya ng mga tauhan ni Col. Canals para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.
Binati ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station sa kanilang mabilis na aksyon at adherence to legal procedures. (Richard Mesa)