Microsoft Surface Hub, itinurn-over sa DepEd Central Office sa Pasig City
- Published on October 6, 2022
- by @peoplesbalita
ITINURN-OVER na ng USAID Philippines ang Microsoft Surface Hub sa Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City kamakailam.
Ang Microsoft Surface Hub ay digital device na may kakayahang mag-integrate ng multi-platform system, mag-mirror screen para sa remote learning at nakadisenyo para sa iba’t ibang aktibidad na makatutulong sa mga guro at estudyante sa kanilang pag-aaral.
Ayon kay Undersecretary for Curriculum and Instruction Jose Ernesto Gaviola nagpapasalamat ang DepEd sa USAID Philippines para sa ibinigay na Microsoft Space Hubs units na makatutulong aniya para sa patuloy na pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon.
Ipinahayag naman ni USAID Philippines Director of Education Dr. Thinas LeBlanc ang patuloy na pakikipagtulungan ng USAID sa DepEd sa iba’t ibang mga proyekto para sa ikauunlad ng edukasyon sa bansa.
Layon din ng organisasyon na makatulong sa kagawaran na masiguro na makakamit ng mga estudyante sa basna ang dekalidad na edukasyon. (Daris Jose)