Mga Pinoy Olympians mas makikilalala na sa website
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
MAKIKILALA na ang mga national athlete noon at ngayon na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang sa pinakamalaking paligsahan – Olympic Games – sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa kalulunsad lang na Philippine Olympians Association (POA), Philippine Olympic Committee (POC) at Nestle-Milo Philippines.
Mababasa ng publiko ang mga Olympian, ang kanilang mga natatanging karanasan at sakripisyo upang makaabot sa pangarap maging Olympian sa pagbisita sa “Living Archive of Olympians.”
Nagsadya sa website launching sina POA chairman Rafael Hechanova, 93, at nakasabak sa 1952 Helsinki Olympics, president Gillian Akiko Thomson-Guevara, treasurer Stephen Fernandez, 2020 Tokyo Olympic-bound taekwondo Kurt Bryan Barbosa at board member Amparo Lim.
Gayundin nina Milo Philippines AVP at Sports Executive Lester Castillo, POC deputy secretary general Karen Tanchanco-Caballero at iba pa. (REC)