Mga piitan sa bansa naka-heightened alert vs heat index
- Published on March 11, 2025
- by Peoples Balita
NAKA-heightened alert ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) laban sa nararanasang init ng panahon ng mga Person Deprived of Liberty (PDLs).Ayon kay BJMP Director Ruel Rivera, may nakaantabay 24/7 na mga nurse sa lahat ng piitan sa buong bansa upang masiguro na agad na mabibigyan ng responde ang sinumang PDL na makararanas ng sakit dulot ng matinding init.
Sinabi ni Rivera na inatasan na niya ang lahat ng jail facilities na gawin ang lahat ng paraan at solusyon upang maiwasan ang matinding init sa kanilang mga nasasakupan.
Partikular na tinukoy ni Rivera ang mga National Capital Region (NCR), kung saan mataas ang heat index at overcrowded ang mga piitan.
Giit ni Rivera kailangan na tutukan ng mga health personnel ang kalusugan ng mga PDLs ngayong summer kung saan iba’t ibang sakit din ang maaaring makuha dahil sa init at siksikan sa kulungan.
Pinaiinspeksiyon din ni Rivera ang mga ventilation, sapat at malinis na supply ng tubig sa mga kulungan na isa sa makatutulong upang mabigyan ng ginhawa ang mga PDLs. (Daris Jose)