Mga patakbo balikan
- Published on April 9, 2022
- by @peoplesbalita
NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event.
Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner.
Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang mga kabaro natin.
Katatapos lang P3.5M 11th LBC Ronda Pilipinas 2022, ang 11-day, 10-stage bikathon na pinamayagpagan ni Ronald Lomotos at ng team niyang Navy Standard Insurance.
Kadaraos lang din ng Baguio Trail Half-Marathon & 10K, isa pa nga sa mga nagwagi ang kaibigan kong si Severino ‘Ben’ Alacar.
Kasama rin ang ilan pa sa pa sa mga naidaos na sa pagkakaalam ng Opensa Depensa ay ang Milo-Patafa 2022 SEA Games Performance Trials: Road to Hanoi sa PhilSports Complex (dating Ultra) sa Pasig.
Habang nakatakda naman sa April 24 sa Angeles City ang 2022 Clark Duathlon Classic – Standard 10k run/40k bike/5k run, at ang 2022 Rock ‘n’ Roll Running Series Manila na may 42K at 21K distances sa June 24, at marami pang iba.
Sasabak sa dalawang nabanggit na karera ang isa ko pa ring kaibigan, mahusay na runner at running coach na si Nhe Ann Barcena ng Taguig City at Quezon Province.
Parte ito ng kanyang preparasyon sa world marathon major, 42nd Londo Marathon 2022 sa October 2.
Nagpapasalamat po ako ang mga kasamahan kong mga runner sa Poong Maykapal sa pagbababa na ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa.
Pero mag-ingat pa rin po palagi tayong lahat. (REC)