Mga manggagawa, deserve mabigyan ng 14th month pay
- Published on August 22, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAIN ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang panukalang batas bilang 3808 upang mabigyan ng 14th month pay ang lahat ng manggagawa sa private sector matapos ang halos kalahating siglo o mula 1976 nang ibigay angĀ 13th month pay sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 851.
Katapat nito sa Senado ang inihain ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang pagbibigay ng private employers ng 14th month pay. ssa kanilang empleyado.
“Ang pagkakaroon ng panukala sa parehong kapulungan ng Kongreso ay patunay na hindi na sapat ang 13th month pay at panahon na para sa 14th month pay na matagal nang hinihintay ng ating mga manggagawa,” ani TUCP Party-list Representative at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza.
Kapag naging ganap na batas, ang 13th month pay ng mga manggagawa ay ibibigay ng Hunyo habang ang 14th month pay ay siyang ibibigay naman sa Disyembre.
Mayroon nang pang-matrikula para sa mga anak sa pasukan sa Hunyo, mayroon pang pang-noche buena sa pasko para sa buong pamilya!,” dagdag ng mambabatas,
Para naman sa mga kumpanya o opisina na hindi kayang magbigay ng 14th month, nakasaad sa panukala ang pagbibigay exemptions ngunit ito ay sa pamamagitan ng pag-apruba ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“These exemptions prove that we heed the concerns of employers, especially those who are struggling. But let us be clear: when workers receive more and better benefits, they are not only happier but more motivated and productive at work. And when productivity rises, so does profitability. Working families become more comfortable as businesses and the economy grow stronger. Together, we can make this 14th month pay work not only for our workers but our employers and the country,” paliwanag ni Mendoza.
(Vina de Guzman)