• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga magulang, nais na mayroong warning labels sa Food Information

LUMABAS sa isinagawang nationwide focus group discussions (FGDs) na karamihan sa mga magulang na pinoy at household decision-makers ang pabor sa paglalagay ng front-of-pack warning labels, dahil nakakatulong ito na mas maintindihan ang nutritional information sa isang produkto.

Sa isinagawang FGDs ng ImagineLaw, isang public interest law organization, sa Luzon, Visayas, at Mindanao, nabatid na karamihan sa mga parent-consumers ay nagnanais na mayroong food warning labels bilang pinakamabilis na paraan upang matukoy ang iiwasang pagkain.

“The FGDs show that consumers need accessible and straightforward information when it comes to food,” ayon kay Atty. Sophia San Luis, Executive Director ng ImagineLaw.

Ang mga participants ay pinakitaan ng pre-packaged food products na may back-of-pack nutrition labeling, at yaong may front-of-pack labeling (FOPL).

Nang tanungin ukol sa readability ng kasalukuyang nutrition labels, marami ang nagsabing nahihirapang idetermina kung sapat o lagpas ang nutrient levels sa recommended daily intake, Kadalasan na pinagtutuunan nila ng pansin ang presyo at expiration date sa pagpili ng produktong pagkain.

“This proves that the current nutrition labeling does not work. We need FOPL as an intervention to provide clear and accessible food information for all,” dagdag ni San Luis.

Nabatid na mas preferred ng mga magulang ang front-of-pack warning labels dahil sa direktang mensahe at madaling intindihin.

Naniniwala rin ang mga respondents na sa pamamagitan ng babala ukol sa posibleng health harms ng food products, ay makakatulong sa kanila ang labels kung bibilhin ang produkto o hindi.

Suportado rin ng mga respondents ang pagkakaroon ng isang national policy para sa paglalagay ng warning labels sa pagkaintulad ng panukalang Front-of-Pack Warning Label Bill (FOPWL Bill).

Layon ng FOPWL Bill na makurbahan ang tumataas na kaso ng diet-related non-communicable diseases (NCDs) sa pamamagitan nang paglalaan ng choice sa mga Pinoy sa pagpili ng mas masustansiyang pagkain.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mataas na intake ng unhealthy food high in fats, sugar, and sodium, ay nagtataas sa panganib ng pagkakaroon ng non-communicable diseases tulad ng diabetes, heart disease, at ilang uri ng cancer. (Vina de Guzman)