• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:21 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga maapektuhan sa koleksiyon ng basura sa Maynila, inabisuhan 

NAG-ABISO ang Manila Department of Public Service (DPS) sa mga residente sa Lungsod na maapektuhan sa sitwasyon ng pagkolekta ng basura.

Ayon sa abiso ng DPS, hanggang June 25, 2025 na lamang ang magiging pagkolekta ng basura ng kinuhang kontraktor na MetroWaste ng outgoing mayor at sa mga maapektuhan ay pinayuhan na hintayin muna ang magiging hakbang ng Manila LGU.

Bagama’t magsasagawa ng dry run ang dating kinuhang kontraktor ng basura na Leonel, hindi muna mapapasok ang mga inner streets kung saan ang magiging ruta nila ay mga pangunahing lansangan.

Kapag nagpalit na ang administrasyon, magiging fully operation na ang pagkolekta ng basura sa July 1 .

Paalala naman ng Manila DPS na bawal ang pagtatapon ng basura hangga’t wala ang truck at ang mahuhuli ay maaaring mapatawan ng P500 sa first offense, P1,000 sa second offense at P1,500 o hanggang 6 na buwan ng pagkakulong sa ikatlong pagkakataon. (Gene Adsuara)