Mga Korean nationals, inaresto sa Isang hotel sa Pasay
- Published on February 19, 2025
- by Peoples Balita

Sinabi ni BI fugitive search unit (FSU) chief Rendel Ryan Sy na ang mga inarestong 6 na Korean national ay sa koordinasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group Southern Police District Field Unit (CIDG-SPIDFU) on February 17.
Kabilang sa mga inaresto ay si Ha Jungjo, na may derogatory record sa BI na overstaying .
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, na ang isinagawang pagsalakay bunsod sa kommunikasyo mula sa PAOCC hinggil sa hinihinalang illegal na aktibidades ng mga dayuhan.
“This successful operation reflects our unwavering commitment to cracking down on illegal foreign operations in the country, especially those engaged in illicit online gambling,” ayon kay Viado.
Ang mga operatiba ay nakadiskubre ng multiple computer stations na hinihinalang ginagamit sa offshore gaming operations.
Kinumpirma rin ng awtoridad sa Korea na ang perang ginagamit sa transaksiyon at mga inked bank accounts ay ginagamit sa illegal gambling activities.
Ang mga inarestong mga dayuhan na karamihan ay may permanent resident visas ay naaktuhan habang nagsuugal.
“We continue to intensify our enforcement actions against foreign nationals violating Philippine laws, in line with the administration’s directive to maintain law and order,” paliwanang ni Viado.
“We will ensure that due process is followed while working closely with our law enforcement partners to rid our country of undesirable aliens engaged in illicit activities,” dagdag pa ni Viado.
Mahaharap sa deportasyon at maba-blacklist ang anim na Koreano. (Gene Adsuara)