• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:42 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kandidatong may asosasyon sa POGO, huwag iboto

HINIKAYAT ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo na may kaugnayan sa ipinagbawal na Philippine offshore gambling operators (POGOs).

 

“Ang problema natin naman ngayon na hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get in government. If you would see, ang daming tumatakbo. Gusto makapasok sa pamahalaan para proteksyunan na naman ‘yung mga illegal na gawain nila,” ani Dionisio.

 

Kung kaya pinapurihan at pinasalamatan nito si Pangulong Marcos sa ginawa nitong pagba-banned sa POGO ngunit dapat aniyang tulungan ng mga botante ang presidente na huwag hayaang mapasok sa pamahalaan ang mga ito.

 

Naniniwala ang mambabatas na ang naging desisyon ni Marcos na i-ban ang POGO ang isa sa dahilan kung bakit natanggal ang bansa sa money laundering watchlist ng Financial Action Task Force (FATF). (Vina de Guzman)