• February 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA KANDIDATO, NAGHAIN NG KANDIDATURA SA 2ND DISTRICT NG ANTIPOLO

PITO ang opisyal na kandidato kasama ang isang ordinaryong mamamayan ang naghain ng kandidatura para sa ikalawang distrito ng Antipolo para sa special elections matapos ang filing ng Certificate of Candidacy para punan ang nabakanteng pwesto ni dating Rep Romeo Acop.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, maituturing na maganda ang kinalabasan ng filing of candidacy dahil nagpapakita ito ng pagiging masigla at buhay ng demokrasya sa ikalawang distrito ng Antipolo.

Sa pagtatapos ng en banc session ng Comelec at matapos isumite at aprubahan ang opisyal na listahan ay asahan ilalabas na ang final list ng mga kandidato.

Sa kasalukuyan, wala pa umanong natatanggap na petisyon ang Comelec para i-disqualify o kanselahin ang kandidatura ng alinman sa pitong aspirante.

Nilinaw rin ng Comelec na ang gaganaping halalan ay manual election, kung saan hindi naka-print ang mga pangalan ng kandidato sa balota at isusulat mismo ng mga botante ang pangalan ng kanilang napiling kandidato . (Gene Adsuara)