• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga guro, binatikos ang bagong DepEd order ukol sa remedial classes, humirit ng extra pay

HAYAGANG binatikos ng dalawang grupo ng mga guro ang pinakahuling kautusan ng  Department of Education hinggil sa  remedial classes.

 

 

Humirit naman ang mga ito sa ahensiya  ng pagkalooban ng karagdagang bayad o kompensasyon o service credits ang  mga magtuturo at siyang mangangasiwa sa klase.

 

 

Kamakailan, nagpalabas ang  DepEd  ng Order No. 13, na nagtatakda ng guidelines sa pagsasagawa ng remedial at enrichment classes kasunod ng School Year 2021-2022, na nakatakdang magtapos sa Hunyo 24.

 

 

Ayon sa nasabing kautusan, ang  Grade 1 hanggang 11 na estudyante na nakakuha ng grado na 75 hanggang  79 ay dadalo sa enrichment classes  habang iyon namang bumagsak sa dalawang  subjects  ay  dadalo sa remedial classes.

 

 

Ang remedial at enrichment classes ay nakatakdang gawin sa panahon ng school break mula Hulyo hanggang Agosto.

 

 

 

“This policy should be clarified because we expect teachers to enjoy a two-month vacation between the closing and opening of school years. We have the right under the law,” ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas.

 

 

Sinabi  ni Basas na ang iba’t ibang requirements kabilang na ang  online activities, physical reporting sa eskuwelahan,  virtual at physical classes at clerical tasks ang dahilan kung pagod na pagod o patang-pata ang mga guro.

 

 

“Itong bakasyon na lang ang inaasahan sana ng mga guro [para makapagpahinga] pero mukhang pati ito ay kukunin pa sa amin,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni  Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio na “depriving teachers of the much-needed rest between school years takes a heavy toll not only on their health and capacities but to the over-all delivery of quality education.”

 

 

Anito, hindi naman sinabi sa naturang kautusan kung ang guro na mangangasiwa sa  remedial classes  ay makakakuha ng bayad o service credits.

 

 

“The least the government can do is to justly compensate teachers who are going the extra mile to help our learners,”  anito.

 

 

Idinagdag pa niya na nais ng TDC na magkaroon ng dayalogo kay Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lumagda sa kautusan o kay  outgoing Secretary Leonor Briones.

 

 

“We won’t refuse work especially if it is for children. But DepEd should also consider the welfare of teachers. And if there would be an exigency of service, the ready justification for extended work, then the provision of the law for overtime pay should also be observed,”  aniya pa rin. (Daris Jose)