• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga gumagamit ng ICU beds dahil sa COVID 19, bahagyang tumaas

BAHAGYANG  tumaas ang gumagamit ng mga ICU beds sa gitna ng patuloy na ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga kaso ng COVID 19.

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque bunsod  na rin ng mas maraming mga senior citizen, may comorbidities at iba pang mga susceptible individuals ang na-confine sa ICU.

 

Ani Sec. Roque, kung dati rati ay lampas na sa 50% ang available na kama sa ICU, ito aniya’y bumaba ng kaunti sa 47 porsiyento.

 

Kaya panawagan ng Malakanyang lalo na sa mga nasa hanay ng vulnerable sector gaya ng mga  senior citizens, mga may sakit at mga buntis, manatili na lang sa tahanan gayung sila aniya ang prone na napupunta sa ICU.

 

Sa kabilang dako, tinatayang nasa 59%  ang available na mga isolation beds,  70% naman ang availablity para sa ward beds habang mataas naman ang porsiyento ng availability para sa mga ventilators na nasa 78%. (Daris Jose)