• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dyip gagarahe na lang; MRT, LRT magsisikip

HINDI malayong tuluyan nang gumarahe ang mga sasakyan tulad ng mga jeepneys na gumagamit ng diesel sanhi ng walang humpay na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Babala ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na, kung gagarahe ang mga sasakyang pangunahing gumagamit ng diesel ay malamang na magsikip sa mga bus, MRT, at LRT sa Metro Manila.
Pinuna ng solon na maraming jeepney driver ang dumaraing na ang dating P800-P900 arawang kita nila ay nasa P200-P300 na lang.
Ayon sa mga driver, kapag pumalo sa P150 ang diesel ay baka tuluyan na aniyang hindi bumiyahe ang mga ito dahil pagod na ay talo pa sa gastos.
Kalbaryo naman aniya ang dulot nito sa commuters na mapipilitang maglakad samantalang ang mga e-trike drivers ay nagsasamantala na sumisingil ng P50-P80 sa malapit na lamang na biyahe.
Inihayag pa ni Ordanes na liliit din ang pandesal gayundin ang servings ng kanin at ulam sa mga restaurant at karinderya ay malamang na kumonti na rin kung hindi mapipigilan ang pagsirit ng presyo ng LPG at kerosene.
Bukod dito ay tataas din umano ang presyo ng mga ulam habang maraming Pinoy ang lilipat na sa pagluluto sa uling at panggatong na kahoy.
“The revenue impact of temporarily suspending VAT and excise taxes can be addressed by improving tax collection, cracking down on smuggling and tax evasion, and aggressively reco­vering ill-gotten wealth from corrupt officials,” suhestiyon ng solon.
(Daris Jose)