• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 9:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA BARANGAY, SK AT IBA PA, HINIHIKAYAT NA LUMAHOK SA KAUNA-UNAHANG QUEZON CITY GREEN AWARDS

NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga barangay, Sanguniang Kabataan, Youth-Based Organization at mga negosyo na lumahok sa kauna-unahang Quezon City Green Awards at ipamalas ang kanilang best practices para sa disaster resiliency and sustainability.

 

 

Layunin ng Quezon City Green Awards na kilalanin at bigyan ng insentibo ang grupong may katangi-tangi at inclusive na disaster risk reduction and management at climate action. Matatandaang inilunsad noong isang buwan ang Quezon City Green Awards.

 

 

Ayon  kay Mayor Joy Belmonte, ang mga idea patungkol sa disaster preparedness ay maaring makatulong sa LGU upang makapag develop pa ng mas magandang programa. Ang mga inisyatiba at solusyon para sa epekto ng climate change ay dapat na nakasentro sa mga mamamayan at tumutugon sa mga hamong kinahaharap ng mga komunidad.

 

 

Mayroong tatlong kategorya ang parangal na nabanggit, Green Award, Resiliency Award at Green and Resilient Champion.

 

 

Ang mga interesadong lumahok ay maaring magparehistro online sa greenawards.quezincity.gov.ph. hanggang sa July 15, 2023

 

 

Ang lahat ng entries ay sasailalim sa masusing assessment at field validation at kailangang ipresinta sa mga hurado ang kanilang programa.

 

 

Sumatotal ay maroong 16 organisasyon at institution ang pararangalan sa Oktubre. Makatatanggap sila ng tropeyo at cash grant na magagamit nila para sa kanilang mga programa at proyekto. (PAUL JOHN REYES)