Mga aplikasyon sa voters registration, hiniling ng reactivation
- Published on April 30, 2024
- by @peoplesbalita
KABILANG sa mahigit dalawang milyong aplikasyon na natanggap ng Commission on Elections para sa voter registration ang mga bagong botante na humiling ng reactivation na paglilipat ng voter registration.Ayon sa Comelec Election and Barangay Affairs Department-Precinct Division Atty. Jennifer Felipe., ito ay mula nang magsimula ang voter registration noong nakaraang Pebrero.
Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang last-minute at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30.
Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay nakatakda upang mahikayat ang mas mataas a voter turnout.
Noong 2022, nasa 600,000 lamang ng 1.6 milyong rehistradong overseas Filipino voters ang bumoto.
Nitong unang bahagi ng buwan, nagsagawa ang komisyon ng pangalawang round ng bidding para sa P465.8 milyong Online Voting and Counting System (OVCS) , ang pangalawang pinakamalaking kontrata para sa susunod na botohan. GENE ADSUARA