Meralco may bawas singil ngayong Disyembre
- Published on December 11, 2025
- by @peoplesbalita
MAY bawas singil sa kuryente ang Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Disyembre.
Batay sa abiso ng Meralco, bababa ang electricity rates ng P0.36 kada kilowatt hour (kwh) ngayong buwan.
Ito’y bunsod umano nang pagbaba rin ng transmission at generation charges.
Nangangahulugan ito na ang electricity bills ng mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan ay mababawasan ng P71 at P107 ang tapyas sa nakakagamit ng 300 kwh kada buwan.
Makakatipid naman ng P142 ang mga kumukonsumo ng 400 kwh habang P178 ang tipid ng mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.