Mensahe ni PBBM ngayong Linggo ng Pagkabuhay: Rise in action, make a difference
- Published on April 21, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa isang konkretong aksyon, gamitin ang Linggo ng Pagkabuhay upang bigyang diin ang pangangailangan para sa pang-unawa, pagkakaisa at inclusive governance sa pagharap sa mga hamon ng bansa.nnSa isang kalatas bilang tanda ng isa sa pinakamahalagang araw sa Christian calendar, winika ni Pangulong Marcos na ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo ay hindi lamang simbolo ng pag-asa kundi mandato o kautusan na iangat ang buhay ng iba lalo na iyong “buried in debt, in hunger, and in silence.”nn“It is a clear and solemn affirmation that challenges are not the end, but the means for the reward that we, too, shall receive, through our faithfulness in doing the will of the Almighty,” aniya pa rin.nnHinimok din niya ang publiko na yakapin ang aktibong paniniwala sa pamamagitan ng mga polisiya, batas, at pamamahalang walang naiiwan.nn“We must rise — not merely in belief, but in deeds, and not only in prayer, but in action,” anito.