Mega Job Fair sa Navotas City
- Published on January 16, 2024
- by @peoplesbalita
NASA 254 Navoteno ang nag-apply sa Mega Job Fair na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 118th Navotas Day kung saan tampok ang 27 na mga kompanya at ang mga ahensya ng SSS, Pag-Ibig, at PhilHealth. Sa talumpati ni Mayor John Rey Tiangco, pinayuhan niya ang mga jobseekers na pagyamanin ang kanilang kaalaman upang mas maraming oportunidad pa ang magbukas para sa kanila. (Richard Mesa)