• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Medical cannabis para sa medikal o therapeutic purposes, muling inihain

MULING inihain ng isang mambabatas ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana para sa medikal o therapeutic purposes.
Nakapaloob ito sa House Bill (HB) No. 420 na inihain ni Camsur Rep. Miguel Luis “Migz” Villafuerte.
Umaasa ito na maipapasa ngayon 20th Congress ang panukala na magbibigay ng kahit kaunting kaginhawaan sa mga Pilipinong dumaranas ng epilepsy sa pamamagitan ng paggamit ng non-addictive strain ng marijuana.
Ipinanukala rin sa HB 420 ang pagbuo ng Medical Cannabis Office (MCO) bilang pangunahing regulatory, administrative at monitoring agency na siyang mangangasiwa sa importation, cultivation, manufacture at paggamit nito sa bansa.
“This proposed legislation seeks to legalize the medical use of cannabis for qualified patients. It establishes the MCO under the Department of Health (DOH), and which shall exercise administrative, regulatory, and monitoring functions on medical cannabis use, including its cultivation, importation, production, and distribution,” ani Villafuerte.
Legal sa nasa 60 bansa ang paggamit ng medical cannabis kabilang na ang Australia, Canada, Germany, Israel at United Kingdom (UK).
(Vina de Guzman)