• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Joy, ibang opisyal ng Quezon City, pinarangalan

PINARANGALAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte­ ng Gawad Bagong Bayani at ilang opisyal ng Quezon City local government dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga polisiya at programa na nagdadala ng pagbabago sa komunidad.

Iginawad ang “Bayani ng Bayan” Award kay Ma­yor Joy Belmonte habang ang “Kampilan ng Bagong Bayani” ay iginawad kay Councilor Charm Ferrer.

Nagkamit naman ng “Bagong Bayani” Award sina District 1 Representative Arjo Atayde, Majority Floor Leader Doray Delarmente, Bernard Herrera, at Vladimir Estocado ng Barangay and Community Relations Department.

Para sa kategorya ng pangkat, nagkamit din ng parangal ang National Economic Protectionism Association (NEPA).

Nagpasalamat naman si QC Mayor Belmonte sa pagkilalang ito.

Malugod ding tinanggap ni Councilor Ferrer ang parangal kalakip ang pangakong patuloy na magsisilbi nang may malasakit, tapang, at dedikasyon para sa ikabubuti ng bawat mamamayan ng Lungsod Quezon.