• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Jeannie, pinahusay ang mga panukala sa kaligtasan ng mga estudyante sa baha

PINAGTIBAY ni Mayor Jeannie Sandoval ang matatag na pakikipagtulungan ng kanyang administrasyon sa Schools Division Office (SDO) – Malabon upang pahusayin ang mga hakbang sa pagbawas sa baha para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa panahon ng tag-ulan.

Sa 94,000 mga mag-aaral na naka-enroll sa pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod, binigyaang-dijn ni Mayor Jeannie ang kaligtasan ng mga mag-aaral mula sa patuloy na pagbaha lalo na sa mga mababang lugar na mabilis tumaas ang tubig kapag bumuhos ang malakas na ulan kaya may high tide.

Ito’y dahil sa patuloy na pagsasaayos ng Malabon-Navotas River Navigational Gate, na nag-malfunction noong Mayo at mula noon ay nagpataas ng panganib sa pagbaha sa lungsod.

“Prayoridad po natin ang kaligtasan ng mga mag-aaral ngayong pasukan, kaya po ating tinututukan ang pagsasaayos ng Navigational Gate,” ani Mayor Jeannie. “Lahat din po ng ating mga pasilidad—pumping stations, flood gates—ay gumagana. Ang mga operasyon gaya ng clean-up drives at declogging ay tuloy-tuloy din. Sa pakikipag-ugnayan natin sa SDO-Malabon, mas mapapalakas pa natin ang serbisyo para sa mga kabataan. Mayroon tayong sinusunod na guidelines para sa pagsususpinde ng klase kung kinakailangan.” dagdag niyan.

Ayon sa alkalde, ang class suspensions ay gagabay sa DepEd Order No. 022, s. 2024 na nagpapahintulot sa mga lokal na pagsuspinde ng mga pinuno ng paaralan o ALS coordinators para sa mga kadahilanang malakas na pag-ulan, pagbaha, pagkawala ng kuryente, matinding init, o iba pang mga panganib sa kaligtasan.

Upang suportahan ang mga hakbang na ito, iniulat ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ang Central Command and Communication Center nito ay nanatiling nasa  24/7 alert, na patuloy nakamonitor sa kondisyon ng mga kalsada para sa mabilis na pagtugon sa panahon ng pagbaha.

Noong Lunes, personal na bumisita si Mayor Jeannie sa Malabon Elementary School para salubungin mga mag-aaral sa unang araw ng klase at pangunahan ang flag-raising ceremony, nakiisa sa book reading session, at namahagi ng mainit na pagkain sa mga estudyente. (Richard Mesa)