Mayor Jeannie, naghatid ng TulongKalusugan
- Published on September 2, 2025
- by @peoplesbalita
SAKAY ng mga bangka, personal na pinuntahan ni Mayor Jeannie Sandoval kasama si Dr. Lester Tan, Regional Director ng Department of Health (DOH) ang Artex Compound, sa Brgy. Panghulo, Malabon City matapos ang paglulunsad ng PuroKalusugan sa naturang barangay para maiabot ang tulong pang kalusugan lalo na sa mga residenting nasa liblib at mahirap puntahang lugar.

