• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maynila magdedeklara ng Public Health Emergency dahil sa di nakolektang basura  

MAGDEDEKLARA ng City Public Health Health Emergency ang lungsod ng Maynila dahil sa posibleng sakit na idudulot gawa nang hindi nahahakot na basura nitong mga nagdaang linggo.

Sa ginanap kauna-unahang preskon ng bagong upong si Manila Mayor Isko Moreno sinabi nito na hindi nahakot ng Metro Waste Solid Waste Management Corporation at Phileco ang mga nakatambak na basura sa lungsod matapos na hindi nabayaran ang kanilang serbisyo.

Nangangamba si Isko na posibleng magdudulot ng sakit sa mga residente sa lungsod ang ga-bundok na iniwanang basura kung hindi kaagad mahahakot.

Ang Metro Waste at Phileco ang mga kinontratang maghakot ng basura sa Lungsod ng Maynila sa panahon ni dating Manila Mayor Honey Lacuna.

Nabatid na hindi na nabayaran ang Metro Waste mula February 20 hanggang sa kasalukuyan habang mula June 30, 2025 hanggang sa kasalukuyan ang Phileco .

Lumalabas na umaabot sa P950 million ang hindi nabayaran sa dating pamahalaan sa dalawang inatasang maghakot ng basura.

Magsisimula ang paghahakot ng basura ngayon alas-2:00 ng hapon at hindi titigil hanggang hindi nahahakot ng Leonel Management na siyang pinakiusapan na magtanggal ng mga basura na walang gastos ang pamahalaan.

Maging ang Metro Manila Development Authority ay pinakiusapan din na tumulong sa paghahakot. (Gene Adsuara)