• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maynila, hindi iniwan ni Yorme Isko Moreno

HINDI kailanman iniwan ni  Manila Mayor-Elect Francisco ‘Isko-Moreno’ Domagoso ang Maynila kahit noon  tumakbo siya sa pagkapangulo noong 2022.

Sa panayam sa Headstart ng ANC, sumunod lamang siya sa panawagan ng publiko na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa .

Nais lamang aniyang mapagsilbihan ang lahat at ialay ang kanyang sarili .

“I just wanted to serve everyone and offered myself. Given a chance, Manila is still the capital of the country. If I’m going to be the President at the time, I’m going to serve the people of Manila. But, nakaraan na ‘yun, naka-move on na ako,” saad ng bagong alkalde ng kabisera ng bansa.

Pahayag pa ng bagong mayor, nag-endorso siya ng iba ngunit hindi sila naging masaya kaya naman noong minsan nag-ikot siya sa Tondo at nakita siya ng mga taga Maynila, doon aniya sila nanawagan na magbalik siya .

“Now, kung hindi ko naman pagbibigyan, ano naman ang mukha ang ihaharap ko sa kanila? I endorsed somebody and they’re not happy and they’re looking for somebody, and nung nakita nila ako noon sa kalsada one evening in Antonio Rivera, dun nag viral yung the word bumalik ka na. Then, I started talking to people,” ani Domagoso.

Sa katatapos lamang na 2025 national and local electiOns , natambakan ni Domagoso ang kanyang naging katunggali. (Gene Adsuara)