• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May pakiusap sa mga namba-bash sa kanya… Gov. DANIEL, nagbigay na ng pahayag sa kinasangkutang road rage

NITONG Lunes, Marso 2, sa mismong bayan ng Malolos ay nagbigay na ng pahayag ang Gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando tungkol sa mga isyung naglalabasan.
Partikular ito sa isyu diumano ng road rage sa pagitan ng Gobernador at Presidential son Vinny Marcos.
“Yung sinasabing road rage ay malinaw nang nagpahayag ang Malacañang tungkol dito at ang LTO. Okay na po yan,” umpisang pagbabahagi ni Gobernador Daniel.
“Sa puntong ito, higit sa anupaman na negatibong balita na nagkalat sa social media, ang mas mahalaga sa akin ay ang inyong pagtitiwala at pagkilala sa aking pagkatao.
“Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa at pagmamahal.
“Salamat po at binigyan ninyo ng pagpapahalaga ang mahabang panahon ng aking tahimik na paglilingkod, lalo na po sa mga kapus-palad.
“Hindi man po perpekto si Daniel Fernando, si Daniel Fernando po ay hindi perpekto, pero pinagsisikapan ko pong huwag magmalabis sa ating mga kababayan at kapwa-Pilipino.
“Para naman po sa ibang hindi nakakakilala sa akin at hindi pa nakikipag-ugnayan sa inyong abang lingkod, sana ay magkaroon ng pagkakataon na tayo ay lubusang magkakilala para sa lalong ikabubuti ng paglilingkod sa ating mga kababayan, lalo po ngayong naggigiyera sa Middle East.
“Dun sa mga namba-bash sa atin, please, nakikiusap po ako sa inyo, gawin po nating makabuluhan ang social media.
“Panahon na po para tayo ay manalangin sa Panginoon nang mas malalim sapagkat hindi po natin alam ano ang meaning ng digmaang ito.
“Pinipili ko pong manatiling kalmado, magpakumbaba, at manatiling nakatuon sa aking sinumpaang tungkulin na maglingkod sa ating mga kalalawigan.
“Sapagkat ang ating motto, ‘Ang Diyos ang ating sandigan at ang Mahal na Birhen ang aking sandalan.’
“Pasensya na po kayo naging emosyonal ako. Hindi naman po talaga ako emotional.
“Mapagbiro po talaga ako, di ba? Ngayon lang po yan.
“Basta tayo, tuluy-tuloy po ang ating paglilingkod, tapos na po yan.”
Tinukoy rin ni Gov. Daniel ang tungkol sa bukol niya sa noo na inaakala ng iba na bunga ng diumano’y pambugbog sa kanya.
“Ito po kasi lymphoma. Paano ba operahan ito?
“Sabi ko na lang third eye, X-ray machine,” pagbibiro pa ni Gobernador Daniel.
***
FAKE news raw ang isyung nakikialam si Carmina Villaroel sa mga relasyon ng mga anak niyang Mavy at Cassy Legaspi.
Mismong si Ashley Ortega na girlfriend ni Mavy Legaspi ang nagsabi nito.
“I think that’s fake news!
“Sobrang bait ni Tita Carmina. Actually even before pa naging kami ni Mavy, naka-build na rin kaming relationship ni Tita Carmina sa set ng Widows’ Web [GMA series noong 2022].
“Lock-in taping kasi yun. So, parang two months kami nagkasama sa Tagaytay.
“Mag-ate kami doon sa role namin sa Widow’s Web, ate ko siya.
“So talagang yung relationship namin, we also have to work it out kasi lagi kaming magkaeksena.
“And of course, siyempre pag lock-in taping, iyon yung lagi mong nakakasama during pandemic nung time na yun.
“So lagi akong nakiki-microwave kay Tita Carmina nung time na yun.
“And of course, noong naging kami ni Mavy, nagyayaya siya, sila na mag-dinner lalo na pag birthday ni Tito Zoren [Legaspi], birthday ng kambal, recently.
“Tapos pag-birthday ni Tita Carmina, I was there when she turned fifty.
“And yun, there are moments nagyayaya silang mag-dinner sa house and they always welcome me.Samantala, napapanood ngayon si Ashley sa Apoy Sa Dugo sa GMA Afternoon Prime.
Bida rito sina Ashley, Derrick Monasterio, at Elle Villanueva.
Tampok rin sa serye sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Cai Cortez, Patricia Coma, Ricardo Cepeda, Toniyuh at Larkin Castor, sa direksiyon ni Ralfh Manuel Malabunga.
Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 4:05 ng hapon.

(ROMMEL L. GONZALES)