• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:52 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May pagbaba sa mga krimen sa bansa…n‘OUR STREETS ARE SAFE’ – PNP

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na “our streets are safe” matapos na igiit nito na may pagbaba sa mga krimen sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, tinugunan ni P/Maj. Gen. Roderick Augustus B. Alba, PNP Director for Police Community Relations, ang mga pananaw o persepsyon at mga alalahanin ukol sa mataas na crime rate sa bansa. Winika ni Alba na ang ebalwasyon ng PNP ay base sa beripikadong crime statistics, at hindi sa public perception o political messaging. Iniulat din nito na mula Enero hanggang Abril 2025, ang mga insidente ng krimen ay bumaba ng 26% kumpara sa kaparehong panahon noong nakarang taon. Ang naging tugon ni Alba na “our streets are safe,” ay sagot sa tanong kung nananatiling ligtas na bumiyahe sa gitna ng report ng tumataas na crime incidents. “Definitely. Of course, from time to time, mayroon tayong mga crimes na naging highly sensationalized na hindi kaagad masolve. But these are acted upon immediately and for us (they do) not represent the entire situation of our country,” ani Alba. “Sa amin po sa PNP, tuloy-tuloy lang po ang aming kampanya against all forms of lawlessness,” aniya pa rin. “We stick with the reality—what we have now—iyong aming data,” ang tinuran ni Alba. “We respect the perception of our communities. But we speak of our duties na dapat naming pinapatupad. We shouldn’t be affected by negativities kung mayroon man,” ang sinabi pa rin ni Alba. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_33_26-PM.jpg