• October 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May kinalaman daw sa kinasangkutang kontrobersya noon…HEART at VICE GANDA, kalat na ang balitang nagdedmahan sa concert ni YENG (ni: ROHN ROMULO) 

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng netizens na nagdedmahan daw sina Vice Ganda at Heart Evangelista.

Kalat na kalat na ang balitang hindi raw nagpansinan sina Vice at Heart nang manood sa 20th anniversary concert ni Yeng Constantino last August 29, sa Araneta Coliseum.

Sa isang video na ipinost ng netizen sa social media, makikitang bumati at bumeso si Vice sa ilang taong kakilala na nasa venue.Malapit lang naman si Heart sa kinaroroonan ni Vice katabi ang kaibigang si Ryan Bang, kaya matatanaw nila ang isa’t-isa pero hindi nga nila nilapitan ang isa’t isa para magbatian.

Makikita rin sa video, na naglalakad na si Heart para umalis na ng venue at tuluyan nang iniwasan si Vice.

May nagsabi na baka hindi lang daw nagkaroon ng chance na magbatian ang dalawa.

Ngunit mas marami ang nagsabing posibleng nang ‘di pagbabatian dahil kinasangkutan nilang kontrobersya noon.

Binalikan ng mga netizen ang naging pahayag ni Vice noong October, 2025, sa “It’s Showtime.” 

Tungkol ito sa pagbisita ni Vice sa Sorsogon…

“Di ba nga kinukuwento ko, may pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista. Na isang paaralan na walang reading materials. 

“Pinagawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials.

“Bulok yung paaralan doon. I cried so much when I saw that school,” pahayag noon ni Vice.

Pumalag at nag-react naman ang personal assistant ni Heart na si Resty Rosell at nagsabing hindi lang naman si Vice ang tumulong sa pagpapagawa ng classroom dahil meron ding ambag doon ang Parents-Teachers Association (PTA) ng Bagacay Elem. School.

Sa isa pang episode ng “It’s Showtime” kamakailan, naging isyu rin ang paggamit ni Vice ng mga salitang “clean money” habang pinag-uusapan ang pagkain sa isang restaurant sa Spain.

Reaction tuloy ng netizens, may konek naman ito sa isyu ni Heart at ng content creator na si Mimiyuuuh.

Nakakalokah!

***

MTRCB, binigyan ng R-13 rating ang dalawang Pinoy na sine

NABIGYAN ng R-13 rating ang dalawang pelikulang gawang-Pinoy ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), habang inaprubahan naman ang pagpapalabas ng tatlong sineng dayuhan.

Hinikayat ni MTRCB Chair Lala Sotto ang mga manonood na suportahan ang pelikulang Pilipino at gamitin ang pagkakataon na gabayan ang viewing habits ng kanilang mga anak.

Ang Filipino romantic comedy na “Saving Cherry” ay rated R-13. Bida rito sina Barbie Forteza, Khalil Ramos, AC Bonifacio, Mika Salamanca, Mikee Quintos at Sassa Gurl.

Mayroon itong “mature themes relevant to a newlywed navigating the challenges of her relationship together with her ride-or-die girl squad,” sabi ng Ahensiya.

“The content contains occasional profanity and sexually suggestive language, but not in a frequent manner. The material includes explicit sexual references and moderate sexual situations, often involving romantic relationships,” paliwanag ng MTRCB.

Ang “The Guardian,” isang Filipino-Korean action movie, ay rated R-13 dahil sa tema nitong illegal gambling syndicates na may mga eksenang martial arts at karahasan.

R-16 naman ang “Onslaught,” isang action thriller na pinagbibidahan ni Adria Arjona.

Ang horror film na “Origin Unknown” ay rated R-13 at eksklusibong ipapalabas sa Megaworld Cinemas. Tampok dito si Daniel Fernandez.

Samantala, mapapanood ang “Katy Perry: The Lifetimes Tour – Live from Paris” sa SM Cinemas.

Ito ay rated PG (Parental Guidance) dahil sa “powerhouse performance by the lead and the dancers which include some sensual choreography movements, skimpy costumes and adult lyrics of some songs.”

“Overall production includes extreme set-ups with lots of flying and lifting that may be dangerous if not done professionally. Parental Guidance is recommended for very young audiences,” sabi ng Ahensiya.