• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maulang Christmas week, asahan PAGASA

Posibleng maging maulan ang panahon sa linggo ng Kapaskuhan.Ito, ayon sa PAGASA ay dulot ng Low Pressure Area (LPA) na maaaring mabuo sa silangan ng Mindanao sa Christmas week.Ang maulang panahon ay maaaring maranasan mula December 19 hanggang sa mismong araw ng Pasko sa December 25.Ayon sa PAGASA, ang pag-uulan ay mararanasan sa Caraga, Eastern Visayas o sa Bicol Region samantalang ang pag-uulan sa ibang lugar ay dulot naman ng amihan at easterlies.