Matuloy pa kaya ang pagtatambal nila ni Kathryn?: JAMES, first Filipino artist na pumirma sa isang Korean agency
- Published on August 9, 2025
- by @peoplesbalita
PUMIRMA na pala ng management contract ang aktor na si James Reid sa Spring Company na isang Korean agency.Ito ang may hawak ng ilang mga Korean actors at isa na rito ay ang grupo ni Ji Chang-Wook.
Pero as of this writing, ay wala pa rin namang pormal na pahayag o wala pa namang pino-post ang nabanggit na Korean management group tungkol sa pagpirma ni James ng kontrata sa kanila.
Binanggit na rin naman dati sa mga past interviews ni James na tuloy na raw ang kanyang comeback sa paggawa ng teleserye na kung saan maaaring makapareha niya si Kathryn Bernardo. Matuloy pa kaya ‘yun?
Pero ngayong nasa pamamahala na ang aktor ng isang Korean agency may pag-asa pa kayang mapapanood siya sa lokal teleserye o aabangan na lang natin siya sa isang Koreanovela?
Samantala, ayon pa rin naman sa post ng kanyang kumpanya na Careless Music, ang kontrata ni James ay nagmarka bilang unang Filipino artist ng nasabing Korean talent agency.
“James Reid signs with Korea’s @spring.company_official — the first Filipino artist to join their roster,” buong caption ng Careless Music sa kanilang post kalakip ang photos na andun si James at obviously ay representative ng Spring Company.
***
MARAMING mga pagbabago raw na aabangan ang mga tagasubaybay ng numero unong primetime show na “Batang Quiapo “
Marami raw ang mawawala sa programang ito ni Coco Martin pero may mga bagong papasok na mga sikat na senior stars, huh!
Ayon sa informant namin ay may mga kinakausap daw ang production team ni CoCo Martin na tiyak daw lalong kapana panabik na panoorin ng mga televiewers.
Sina Star for All Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Megastar. Sharon Cuneta and super actress Dawn Zulueta ay kinumbinsi raw na maging parte na rin ng “Batang Quiapo”.
***
AT this juncture, nais naming pasalamatan ang lahat ng nagsidalo sa first birthday celebration ng aming apong si Marta Isabella Escala na ginanap sa Jollibee Tondo.
Siyempre sa lahat ng kanyang mga ninong at ninang sa pangunguna ni Madam Blessie Cirera, Arlene Sambile, Marilou Celino, Isabel Jimenez, Yolinda Manlangit, Norma Barcelon, Elmer Lupos, at iba pa.
Super ty din sa lahat ng mga kids na nakisaya kasama ang aming Baby Miles..
Thank you po sa inyo and to the one up there… To God be the Glory.
(JIMI ESCALA)