Matibay na pagkakaibigan ng Pinas at China, binigyang diin ni PBBM sa ginanap na ground -breaking ceremony Samal Island-Davao City Connector bridge project
- Published on October 31, 2022
- by @peoplesbalita
IBINIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tibay ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sa isinagawang ground -breaking ceremony sa Samal Island-Davao City Connector bridge project, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nasabing proyekto ay isang patunay ng magandang relasyon ng dalawang bansa.
Sa naging talumpati ng Pangulo, tinuran nito na noon pa man ay isa ng dependable partner ang China lalo na sa infrastructure program.
Marami na aniyang naitulong ang China na ganitong kahalintulad na mga proyekto na aniya’y nakapagbibigay at magbibigay pa ng benepisyo sa mga tao at ekonomiya.
Sinabi pa ng Chief Executive na umaasa rin siyang magpapatuloy ang partnership ng Pilipinas at China na aniya’y lalong magpapalapit sa bilateral relations ng dalawa.
Samantala, ang konstruksyon ng Samal Island-Davao City Connector bridge ay popondohan sa pamamagitan ng loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at China. (Daris Jose)