• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos pagdiskitahan ang kakaibang wedding cake… CARLA, tinawag na maldita ni JANUS dahil na-mass report ang FB page

PINAGDISKITAHAN at pinagtawanan ni Janus del Prado ang kakaibang wedding cake ni Kapuso actress na si Carla Abellana at ni Dr. Reginald Santos na nagpakasal noong December 27.
Feeling kasi ng character actor, parang kabaong sa burol ang slab cake sa kasal ni Carla dahil sa haba nito at may bulaklak pang nakapaligid dito.
“Cake! Ba’t mo kami iniwan! Huhu!” ayon sa naging caption ni Janus sa kanyang post. Hirit pa niya, “Sisiw na lang kulang.”
Dagdag panglalait pa ni Janus ang viral cake, “Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay.”
May nag-agree naman kay Janus at nag-comment kung bakit pahaba ang cake at kakulay pa ng ataul.
Say ni Janus, “Till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh.”
Nakarating naman kay Carla pang-ookray at nagkomento sa post ng aktor.
“Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante,” sagot ng aktres.
Narito naman ang naging reaksiyon ng netizens…
“Hahahhahahahahaha bat kasi hahahahhahahahahahahaha buti walang salamin”
“Are they close friends? I like Janus especially when he stands up for Bea sa mga posts niya but this one isn’t funny for me.”
“Un din una kng naisip nong nakita ko ang video sa cake nila! Dapat heart nalang na malaki eh.”
“Itawid na ang mga bata.”
“Maganda naman nga kaso ung design at ung pwestuhan ng flower medyo naging awkward yung itsura.”
“Janus, making comments like that on someone’s wedding day is disrespectful and unnecessary.”
Samantala, may bagong kaganapan sa naturang isyu.
Sa deleted Facebook post ni Janus ay tila galit na galit si Janus kay Carla dahil na-mass report ang kanyang page.
Narito ang pinost niya; “Maldita pala talaga tong si bagong kasal. Pina mass report yung page ko ngayon naka-hold ang monetization.
“To your new husband. Ingat ka dyan sa napili mo. Remember that she dragged all her exes name into the mud. Wag na wag kang magkakamali. Hay.
“Yun lang napikon ka na? Over react much? Best wishes. Sana tumagal kayo kahit 6 months lang. 😂😂😂”
Dagdag post pa ni Janus, “Ayan binura ko na. Bahala kayo sa buhay niyo ang bababaw niyo.😆”
“Ano gusto niyong joke? Yung knock knock na lang para di tayo na mamass report at nadedemonetize.😆”
Hinihintay naman ng netizens kung ano ang magiging reaction dito ni Carla.

(ROHN ROMULO)