• September 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos hangaan sa binigay ng payo sa isang magulang: MAINE, may mahalaga at nakatatakot na babala sa mga netizens

NAPAHANGA ni Maine Mendoza ang netizens sa pagbibigay ng payo sa isang magulang na inaasa ang kanilang pag-ahon sa kahirapan sa kanilang 7-anyos na anak.

 

Ang payo ng ‘Eat Bulaga’ host sa mga magulang, huwag ipasa ang responsibilidad pinansyal at pagbuti ng buhay sa mga anak na menor de edad.

 

Iba talaga ang dating kapag nagseryoso na si Maine.

 

At nito lang, nagseryoso ulit si Maine para magbitiw ng isang mahalaga at nakatatakot na babala sa publiko.

 

“Hi friends! Di muna ako magpapatawa. Seryoso ‘to,” pambungad na babala ni Maine sa kanyang latest video.

 

 

“Mag-SIM Reg para hindi SIM dead, Huwag dedmahin ang deadline para hindi ma-dead ang  SIM ninyo,” say ni Maine.

 

Panoorin ang buong video rito: https://fb.watch/jFTl8xQg9Z/.

 

Ang kanyang babala ay ayon sa itinakdang deadline ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para i-register ang lahat ng SIM sa bansa hanggang sa deadline na April 26, 2023.

 

 

Lahat ng SIM na hindi mare-rehistro ay permanenteng made-deactivate o ang tinatawag na SIM dead, kaya dapat itong iwasan na mangyari.

 

Dagdag payo at babala ni Maine, “Gusto ba ninyong mag-expire ang inyong mga SIM, dahilan para hindi na makapagbayad ng mga bills online, makapag-online shopping, at ‘di na rin makapasok sa Facebook, Tiktok at Instagram?

 

 

“Kaya huwag nang ipagpabukas pa, MAG SIM REG NA PARA HINDI SIM DEAD.”

 

Malaking hassle talaga ang permanent SIM deactivation o SIM dead dahil mawawala na ang naka-load na balance ng iyong SIM.

 

Pag SIM dead, hindi na rin makakatanggap o makakapagpadala ng text message, pati na ang One-time Password (OTP) na requirement ngayon sa digital banking,  mobile wallet apps, at iba pang social media apps tulad ng Facebook, Messenger, TikTok, o YouTube. Hindi na rin magagamit ang SIM para tumawag or makatawag, at siyempre di na rin makaka-konek sa Internet.

 

Tandaan, lahat ng SIM kailangan i-register, mapa Smart, TNT o Smart Bro Pocket at Home WiFi man ito.

 

 

Kaya iwasang ma-SIM dead sa pamamagitan ng pag-register ng iyong Smart at TNT SIM ngayon!

 

Kung ikaw ay Smart Prepaid o TNT subscriber, i-register na ang iyong SIM sa https://www.smart.com.ph/simreg o i-download at mag-register sa GigaLife App. Kung ikaw naman ay Smart Postpaid user, kailangan lang i-confirm ang lahat ng iyong personal information sa iyong postpaid application. Para gawin ito, i-text ang YES sa 5858 at hintayin ang text confirmation.

 

Pakinggan na ang babala ni Maine, mag-SIM Reg para hindi SIM Dead!

(ROHN ROMULO)