• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matagal na siyang dine-deadma ng dating ka-loveteam KRIS, sinita-sita si ALJUR nang magkita sila sa GMA

“TOGETHER again“ ang peg nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa backstage ng GMA Network sa set ng Kapuso program na ‘TiktoClock’ kamakailan lamang.Bago nangyari ito, sa mediacon ng ‘House Of Lies’ ay naikuwento mismo ni Kris sa amin na matagal na siyang dine-deadma ni Aljur na labis niyang ipinagtataka.Nais raw ni Kris sana, noon pa, na kunin si Aljur na maka-collab sa vlog niya.Pero ilang messages na raw siya sa dating ka-loveteam pero hindi ito sumasagot.Kaya naman kinumpronta ni Kris si Aljur noong magkita sila sa GMA.“Hoy, bakit hindi ka nagre-reply sa akin? Sumagot ka, bakit hindi ka nagre-reply sa akin, ha?”Na sinagot naman ni Aljur ng, “Nagre-reply ako.”Kaya muling tinanong ni Kris si Aljur, “That’s still your number? Ayun pa rin ba yung number mo?”“Oo, same pa rin,” ang tugon ni Aljur.“Nire-reply-an naman kita, hindi lang nagse-send,” dagdag pang sinabi nito na tumatawa.“Noong nakaraang araw, tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot.”Pagpapaliwanag naman ni Kris, “E, kasi hindi mo ako sinagot noong una, kaya sabi ko hindi ko na lang siya sasagutin kasi hindi naman niya ako sinasagot.”Deretsahan ring tinanong ni Kris si Aljur kung bakit in-unfollow nito si Kris sa Instagram.“Tsaka bakit ka naka-unfollow sa akin, ha?”Natigilan at wala agad maisagot kaya nasabi na lamang ni Aljur na, “Huwag mo namang sabihin sa camera.”Pinagaan na lamang ni Kris ang sitwasyon at iniba ang usapan sa pagsasabing, “Na-miss kita. I’m so happy for you, and congrats sa family life.”Nabuo ang loveteam nina Kris at Aljur sa Season 4 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA noong December 2006 hanggang March 2007.Si Aljur ang itinanghal bilang Ultimate Hunk, samantalang si Kris naman at si Mart Escudero ang itinanghal na Ultimate Loveteam.Nagtambal sina Kris at Aljur sa maraming GMA projects tulad ng ‘Dapat Ka Bang Mahalin?’, ‘All My Life’, ‘The Last Prince’, ‘Coffee Prince’, at ‘Prinsesa ng Buhay Ko.’Nasa ABS-CBN na ngayon si Aljur samantalang si Kris ay nananatili sa GMA, sa katunayan ay isa siya sa mga bida sa ‘House Of Lies’ sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Eere na simula sa Lunes, January 19, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.Bukod kay Kris ay nasa serye sina Beauty Gonzalez, Mike Tan at Martin del Rosario, at sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Snooky Serna at ang mga Sparkle artists na sina Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, at Kokoy de Santos.Kasama rin sa cast sina Tanya Gomez, Patricia Tumulak, at Gee Canlas.(ROMMEL L. GONZALES)