• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matagal na pinaghahandaan ang bawat role: CARLA, pinuri sa istilo sa pagmi-memorize ng mga linya

PINURI at kinagliwan ng netizens si Carla Abellana dahil sa kanyang Instagram post na kung saan pinakita niya kung paano pinaghahandaan ang isang role sa movie man o sa teleserye.

 

Makikita nga sa photo na ibinahagi ng Kapuso actress ang pagsusulat niya sa mga Manila papers na nasa floor at meron din nakadikit sa wall. Ayon kay Carla, ito raw ang isa sa effective methods niya para madaling ma-memorize ang kanyang mga linya.

 

 

Sa caption niya, “minsan, ganito talaga ako maghanda para sa mga eksena ko sa trabaho. Lalong-lalo na kapag mahaba, mahirap at marami ang mga linya ko. Na lagi naman, kung tutuusin.

 

 

“Madalas, akala ng karamihan na nakakatrabaho ko sa industriya na mabilis at mahusay ako mag memorya. Hindi nila alam na ilang beses sa loob ng ilang araw ko munang pinag-aaralan ang mga eksena at mga linya ko.”

 

 

Dagdag pa ng mahusay na aktres, “kaming mga Artista, hindi kami basta-basta darating sa set para umarte sa harap ng mga camera. Kadalasan, hindi lang isang araw, dalawang linggo o tatlong buwan namin kung paghandaan ang mga gagampanan namin.

 

 

“Pero dahil mahal na mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mabigo ang network, mga producers, mga manunulat, mga direktor at mga kapwa ko Artista na nagtitiwala at umaasa din sa akin, gagawin ko ang lahat para maghanda ng mabuti.

 

 

“Ganito ako bilang isang Artista. 🩢”

 

 

Kaya naman pinusuan ng marami ang kanyang IG post at marami talaga ang pinahanga sa kanyang dedikasyon sa trabaho.

 

 

Kaya komento ng mga netizen…
“Hindi lang magaling na actress , napakaprofessional pa, kaya ka hinangaan ng karamihan dhil sa dedication mo sa work . kaya forever ka namin susuportahan, Mahal ka namin Ms @carlaangeline”

 

 

“Akala ko nung hindi ko pa binabasa ung caption, akala q nagtuturo ka na rin po Ma’am Carla, o nagpprepare for Psychometrician Board Exam since Psychology πŸ”± graduate ka rin po. Nakaka proud ka po ung dedication mo s trabaho nyo po ay tlga nmn nakaka hanga. Sana tularan din po kayo ng mga bagong mga artista.”

 

 

“Isa sa mga dahilan kung bakit ka namin minahal Ms. @carlaangeline kung paano ka po mag trabaho. Sa bawat pagbigkas ng mga linya kitang kita po ang galing at emosyon na ibinibigay mo. 😊 Sobrang proud po kami sayo. Palagi. ❀️”

 

 

“Wow, sobrang dedikasyon! Kaya napakahusay at inspirasyon ka talaga ng mga fans mo. So proud of you!!! @carlaangeline πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘
galing nman ng Queen nmin, so proud of you foreverπŸ’― kya lalo k nming hinangaan hndi lng bilang isang artista kundi bilang isang tao, mahal ka nmin @carlaangeline 😘😍❀️”

 

 

“And then you shoot a scene with a newbie who didn’t even bother to memorize lines properly. ”

 

 

Sana nga ay may matutunan dito ang ibang artista, lalo na ang mga baguhan na hirap na hirap mag-memorize na kanilang lines at gampanan ang kani-kanilang roles.

 

 

***

 

 

Ang Japanese trio na SKYGARDEN, na binubuo nina Ryoichi “Ryo” Rivera Nagtsuka, Hiro Ozaki, at Iwaki “Iwa” Maegawa, ay opisyal ng kasama sa dynamic na sub-label ng GMA Music na AltG Records.

 

 

Naganap ang contract signing noong July 28 kasama si GMA Music Managing Director Rene Salta, Artist and Repertoire Manager at in-house producer na si Kedy Sanchez, at SKYGARDEN manager na si Ruby Cuevas.

 

 

Mula noong kanilang debut noong 2022, ang SKYGARDEN trio nina Ryo, Hiro, at Iwa ay nanalo sa puso ng mga Pilipino sa kanilang nakakahawang enerhiya, malikhaing ideya, at nakakaakit na nilalamang video. Mabilis na naging viral ang kanilang mga video sa mga platform ng social media, na nakakuha ng kahanga-hangang manonood sa Facebook, Tiktok, at YouTube. Nakuha nito ang atensyon ng Kapuso Network at naging dahilan upang maging contestant sila sa top-rating game show ng GMA na ‘Family Feud.’

 

 

Malapit nang marinig ang kakaibang timpla ng mga talento at kultural na impluwensya ng trio. Gumagawa sila ng mga covers ng mga sikat na OPM song, idinagdag ang kanilang kakaibang spin at Japanese touch. Ang kanilang inaabangan na debut single na “KOKOA” ay available na ngayon sa mga digital platform sa buong mundo.
Isinulat ni Hiro, ang kanta ay nagdadala ng malalim na mensahe ng pagmamahal at pagmamahal. Ang pamagat ay nagmula sa Japanese na pariralang “Kokoro kara Aishiteru” na isinalin sa “Mahal kita mula sa kaibuturan ng aking puso.”

 

 

Ito ay hango sa karanasan ni Iwa sa pag-ibig at pinaghalo ang Japanese anime rock na may Tagalog na lyrics.

(ROHN ROMULO)