Mass transit sagot sa malalang trapik
- Published on April 12, 2024
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na minamadali na ng pamahalaan ang paggawa ng mass transit system sa bansa para tugunan ang lumalalang problema sa trapiko sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ang prayoridad nila ngayon ay mga imprastraktura kontra sa trapiko at ang tanging sagot dito ay mga mass transit system na minamadali na ngayon.
Napakalaki aniya ang sagabal sa progreso ng bansa ang trapiko dahil hindi lang sa oras nasasayang kundi maging sa gasolina, pa ng mga commuters, maging sa turismo at bilyong piso rin ang nawawala hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga karatig lalawigan.
Kaya kung wala anyang gagawin ang gobyerno ay daragdag ng daragdag ang sasakyan sa Metro Manila dahil may kaya na ang mga workers na bumili ng sasakyan kaya kahit gaano karami ang mga kalsada, flyover at bypass road ay mapupuno ito at hindi makakahabol.
Iginiit ni Marcos na dapat na tingnan na ang efficient at mabilis na public transport tulad ng train at subway na hindi tinatamaan ng traffic at darating sa tamang oras ang mga commuters sa kanilang mga bahay at pupuntahan.