• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masaya naman ang puso niya ngayon: MARIS, umaming ini-stalk ang naging ex at may regrets sa lovelife

SUMALANG sa lie detector test via polygraph machine ang mga bida ng seryeng ‘Incognito’ na napapanood sa Kapamilya Exclusive. 
Nauna sa lahat si Maris Racal sa karakter na Gab at unang tanong sa kanya ni Contractor played by Ian Veneracion ay kung madalas siyang magsinungaling na sinagot niya ng, “kung kailangan, last minute.”
Diin ni Ian, ‘yes or no’ at sinagot ng dalaga ng, “sige yes na.”
Nag-thumbs up ang ang operator ng polygraph machine kaya natawa si Maris at sabay sabing, “grabe kayo!”
Sunod na tanong ni contractor, “meron ka bang role in the past na ginampanan mo na pinagsisihan mo?”
Matagal muna bago nakasagot ang aktres, “yes.”  At thumbs up na naman ang senyas ng operator.
Sino kaya sa mga naka-trabaho ni Maris na kapag nakikita niya ay naiinis siya?  Ito kasi ang tanong ni Ian kung may co-actors ang dalaga na kapag nakikita niya ay naiinis siya at thumbs up na naman ang sagot.
Aminado rin ang dalaga na kapag may mga nababasa siyang hindi maganda tungkol sa kanya ay nasasaktan ang damdamin niya at thumbs up ulit ang sagot ng operator.
Hindi rin gumagamit ng ibang social media account si Maris para ipang-stalk pero thumbs down ang sabi ng polygraph kaya’t ang dalaga ang nagsabi ng, ‘you’re a liar.
Pero inamin nitong may Fan account siya.
Masaya ang puso ngayon ni Maris kaya naman tinukso siya ni Ian sabay tanong, “Is someone makes you happy romantically?”
Sinagot ni Maris ng wala pero thumbs down ang sagot kaya’t tinukso siya ni Ian, “uy merong nagpapasaya sa ‘yo.”
Umaming ini-stalk ni Maris ang naging ex niya, sino kaya sa kanila? At umaming may naging regrets siya pagdating sa kanyang lovelife.
Nagkatawanan ulit sina Ian at Maris nu’ng thumbs down ang sagot ng operator base sa polygraph machine sa tanong kung magaling magpaikot o magpa-asa ang aktres na sinagot niya ng, “hindi.”
Samantala, hindi taping friends ang relasyon ni Maris sa mga co-actors niya sa ‘Incognito’ tulad nina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Baron Geisler, Richard Gutierrez, Anthony Jennings at Ian dahil tinanong ng huli kung nag-e-enjoy ang dalaga sa pakikipagtrabaho niya sa lahat at mabilis niyang sinagot ng, ‘yes’ kaya naman nagpasalamat si contractor kay Gab.
 
(REGGEE BONOAN)