• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:44 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas pinadali na ng Puregold ang pagbili ng tiket sa ‘OPM Con 2025’: Magsasama-sama ang pinakamalalaking pangalan sa larangan ng musika

PAPARATING na ang pinakakaabang-abang na kaganapan ng taon sa larangan ng musika, ang OPM Con 2025 ng Puregold, na magsasama-sama ng pinakamalalaking mga pangalan sa industriya: SB19, BINI, Flow G, Skusta Clee, KAIA, G22, Sunkissed Lola, at iba pa.
Sa napakaraming tagapagtangkilik–dito at sa ibang bansa–na nais makadalo sa OPM Con 2025, nagbahagi ng kaniyang pagkasabik ang Puregold senior marketing manager na si Ivy Hayagan Piedad.
“Ang panalo concert ay dalawang bagay: isang dekalidad na palabas na maaaring i-enjoy ng mga mamimili sa abot-kayang mga presyo, at pagkakataon din ng mga artista na ibahagi ang kanilang pagmamahal sa mga fan.”
Bilang tugon sa grabeng pagtangkilik sa OPM Con 2025, higit 50 sangay ng Puregold sa buong bansa ang magbubukas ng kanilang mga pinto ngayong araw, Mayo 30 para sa mga mamimili na nais mapanood ang pinaka-inaabangang pagsasama-sama ng mga musikerong Pinoy.
Mas pinadali na rin ng Puregold ang pagbili ng tiket para sa mga miyembro ng Aling Puring at Perks card. Narito ang mga hakbang: para makatanggap ng libreng tiket sa OPM Con 2025, kailangan lamang magkaroon ng minimum single receipt na may halagang katumbas ng uri ng tiket.
Ang mga sumusunod ang mga kabuuang halaga na mabili at ang katumbas na tiket ng bawat isa:
VIP Standing with Sound Check (PHP 7,500)
Premium Patron (PHP 6,000)
Regular Patron (PHP 5,000)
Lower Box Premium (PHP 4,500)
Lower Box Regular (PHP 3,500)
Upper Box (PHP 2,500)
General Admission (PHP 1,500)
Mabilis lamang ang hakbang para makakuha ng tiket. Una, pagdating ng Puregold, kumuha ng queueing number ng nais mong ticket type. Ikalawa, bumili ng groseri na katumbas ng halaga ng iyong napiling tiket.
Para sa Patron Regular/Premium at Lower Box Regular/Premium na tiket, tatanggapin ang mga P-wallet cash-in receipt.
Sunod, ipakita ang Aling Puring o Perks Card, queuing numberNext, present your Aling Puring or Perks card, queueing number, at resibo sa Enlistment at Confirmation booth kung saan ilalagay ang transaction number. Tandaan, itago ang resibo o kuhanan ito ng litrato dahil ang transaction number ang ekslusibong code na kakailanganin upang ma-redeem ang tiket sa Ticketnet Online website.
Tanging mga miyembrong nakapangalan sa Aling Puring o Perks cards lamang ang maaaring makakuha ng kanilang libreng ticket sa pamamagitan ng Ticketnet Online mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 22, 2025. Kaya’t kailangang tiyakin ng mga miyembro na may account sila sa Ticketnet website.
Para sa mga edad 18 taong gulang pataas na kukuha ng ticket para sa mga menor de edad, tandaan na kailangang samahan ng isang adult ticket holder ang bata sa araw ng konsiyerto. Kinakailangan ding mag-fill out ng waiver sa pagpasok sa Philippine Arena.
Ang minimum age na pinapayagan sa VIP soundcheck section ay 10 taong gulang, habang sa ibang sections, papayagan ang batang 4 taong gulang pataas.
May suwerte rin ang mga may EastWest Bank credit card! Ang mga cardholder na may good standing ay maaaring makibahagi sa advanced pre-selling sa mga piling Puregold branches sa Mayo 28.
Matapos nito, maaari na nilang kunin ang kanilang ticket sa Ticketnet Online mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 8, 2025.
***

 

MTRCB, katuwang sa pagsusulong ng mental health’… 

Chair LALA, binigyang-diin ang kahalagahan ng malusog na kaisipan

NAGDAOS ng Psychoeducation Seminar nitong Lunes, Mayo 26, ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para mapaigting ang kaalaman ng mga empleyado ng Ahensya tungkol sa mental health awareness.

Parte ito ng inisyatiba ng Board sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na mapangalagaan ang kalusugan sa MTRCB.

Pinangunahan ni Pat Ramirez, isang rehistradong psychometrician, ang talakayan tungkol sa mental health awareness, stress management at mga batayang batas sa Ahensya.

Binigyang-diin ni Sotto-Antonio ang kahalagahan ng malusog na kaisipan.

“Ang pangangalaga sa mentalidad ng ating mga empleyado sa MTRCB ay sumasalamin sa paniniwala ng Board na ang serbisyo publiko ay nagsisimula mismo sa atin,” sabi ni Sotto-Antonio. 

“Ang mga empleyado ng gobyerno na may malusog na kaisipan ay tiyak na makakapagbigay ng propesyonal na serbisyo sa ating mga stakeholder at sa publiko.”

Ang programa ay mula sa dedikasyon ng Board na mapanatiling malusog ang mga kawani ng MTRCB at ligtas sila sa trabaho para mapaglingkuran nila nang tama ang publiko at maisulong ang responsableng panonood sa  Bagong Pilipinas.

(ROHN ROMULO)