• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas naging grateful sa blessings na natatanggap… ELLE, muntik nang mamatay dahil nadulas habang nasa Mount Titlis sa Switzerland

INAMIN ni Elle Villanueva na mahirap ang pinagdaanan niya sa buhay kamakailan.
Isa na rito ang kanyang near-death experience matapos siyang aksidenteng madulas habang nasa taas ng Mount Titlis sa Switzerland.
Kuwento ng ‘Apoy Sa Dugo’ actress, dumausdos siya pababa at halos wala nang makita dahil sa fog. Nang mangyari ito, ang nasa isip na lamang daw niya ay kung “ito na ba ‘yong katapusan” dahil bago pa man mangyari ang trip na iyon, noong March 2025, ay nasa “dark place” siya.
“I was being ungrateful na, ’cause I can’t help it. Alam mo ‘yung kapag ang dami ng thoughts na nangyayari sa mind mo, hindi mo na ma-filter out na nagiging ungrateful ka na, na ang dami mo ng question if what’s happening is enough na ba?,” sey ni Elle.
Noong magpa-check up after the accident, nabigla siya sa sinabi ng doktor na hindi niya matanggap.
“Nagpa-check din ako and then ‘yung sinabi sa akin ng doctor was really shocking to me na hindi ko siya ma-accept. She said something na it was shocking for me that I am diagnosed with this possibly.”
Hindi na binanggit ni Elle kung ano yung sinabi ng doktor. Mas may appreciation na siya ngayon sa mga blessings na natatanggap niya.
“That slope made me realize that life itself is already a gift. Life itself is already enough. Gift siya ni God na pangalagaan mo. Tingnan mo ‘yung magagandang bagay sa paligid mo dahil marami talaga. There are many things to be grateful for.
“Live to the fullest. Live at the moment. I spent so much time not looking at my phone. I don’t use my phone as much. And, I do appreciate the people around me. I really take my time to talk to them.
“Nu’ng naging mas open ako sa buhay and I started caring less with what other people think. Just spreading the love.”
***
BUKOD sa showbiz, abala rin ang aktres na si Cai Cortez sa kanyang trabaho bilang konsehala sa Taytay, Rizal.
Kuwento ni Cai, kaya raw siya tumakbo bilang konsehal dahil sawa na raw siya sa kakatanong sa mga opisyales nila sa Taytay lalo pagdating sa mga nangyayari sa kanilang distrito.
“Tulad ng iba, marami rin akong mga tinatanong at hinahanap sa mga namumuno sa amin. Kaya to get those answers, I decided to run for councilor and thank God, nanalo tayo. Ngayon, alam ko yung mga nangyayari sa loob and inaakasyunan namin agad yung mga problema,” sey ni Cai.
Aware din daw siya na marami ang nawawalan na ng tiwala sa mga artista na pumapasok sa pulitika. Gusto niyang maging maganda halimbawa na hindi lahat ng actors-turned-politician ay pabaya sa pagiging public servant.
“Nakikita nila ako every day sa municipal hall. Bukas ang opisina natin para sa mga humihingi ng tulong o may reklamo. I’m doing my best to be a good public servant. Ayoko rin na may masabi sila na hindi maganda sa trabaho ko,” sey ni Cai na kasama sa GMA Afternoon Prime series na ‘Apoy Sa Dugo.’
***
FOR the first time in Screen Actors Guild history, apat na may dugong Pinoy ang nakatanggap ng Actors Award.
Tatlo rito ay kasama sa cast ng HBO Max series na ‘The Pitt’ na nanalong Outstanding Performance by an Ensemble in a Drama Series. Ito ay sina Isa Briones, Amielynn Abellera at Kristin Vilanueva na gumaganap na mga Filipino nurses sa naturang medical drama.
Sa Instagram, nagpasalamat si Isa Briones, na anak ng international Filipino actor na si Jon Jon Briones, sa SAG-AFTRA.
“Thank you for believing in our show and this incredible cast. What a special thing to celebrate all our hard work together.”
Ang pang-apat na may dugong Pinoy ay ang Hollywood actress na si Hailee Steinfeld na kabilang sa cast ng pelikulang ‘Sinners’ na nagwaging Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture.
Hindi nakadalo si Hailee sa Actors Awards at kasalukuyang buntis ito sa first baby nila ng mister na si Josh Allen.

(RUEL J. MENDOZA)