Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagdating ng mga diplomats para magbigay ng courtesy visits kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang na rito sina United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos.
Sinabi ni Thunborg na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay pinag-usapan sa miting nito kay Marcos.
“Yes, it was specifically discussed with the president and as mentioned, the very strong commitment to continue the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development was expressed,” ayon kay Thunborg.
Nauna rito, sinabi ni Marcos na hiniling sa kanya ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na ituloy nito ang kanyang giyera laban sa ipinagbabawal na gamot subalit sa sarili nitong paraan.
Noong panahon ng kampanya, sinabi ni Marcos na hahabulin ng susunod na administrasyon ang mga ‘big targets.’
Sinabi pa niya na makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa foreign counterparts sa pagpuksa sa ilegal na droga.
Maliban sa problema sa ilegal na droga, sinabi ni Thunborg na ang economic at financial policies, at maging ang transnational crimes, ay napag-usapan din sa courtesy call. (Daris Jose)