Martinez sasaklolohan ni Cheng, PHSU sa training
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
URA-URADANG umaksiyon ang Philippine Skating Union (PHSU) at ang presidente nito na si Dyan ‘Nikki’ Cheng sa pangangalampag ni two-time Winter Olympic figure skater Michael Christian Martinez na kasalukyang nasa United States at nagti-training.
Pinangalandakan ng 24 na taong gulang at 5-9 ang taas na dating national athlete sa kanyang social media account ang paglulunsad ng $50K (P2.4M) fundraising campaign na tinagurian niyang “Michael Martinez: Road to 2022 Winter Olympics.”
Martes naman nang ipahayag ni Cheng, na nakipag-ayos na siya sa tubong Parañaque pero Muntinlupa na residente na manlalaro para masaklolohan sa pangangailangang pinansiyal habang nasa Estados Unidos.
Klinaro nga lang ng opisyal na hindi maibibigay ng PHSU ang buong halagang lilikumin ni Martinez bunsod sa aniya’y may lima pang atleta sila na kagaya ng veteran figure skater na nangangarap ding mag-qualify sa Beijing, China 24th Winter Olympic Games 2022. (REC)