• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Martial Law isang malaking fake news

INIHAYAG ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ng Iloilo na isang malaking pekeng balita ang espekulasyon na planong magpatupad ng martial law ang administrasyong Marcos upang pigilan ang kalat-kalat na mga protesta ng kaalyado ni dating President Rodrigo Roa Duterte.

Kasabay nito, sinigura ng mababatas na tuloy ang halalan sa May 12 dala na rin sa ginagawang kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mga senatorial candidates.

“Napakalayo sa katotohanan nung fake news na magkaka-martial law. Kapag martial law ka, parang lahat ng pinaghirapan ng Pangulong Bongbong Marcos, kaakibat na ‘yung mga nakaraang administrasyon, ay itatapon lamang. So napakalaking fake news nito,” aniya.

Kitang-kita rin aniya ang todo ikot ng pangulo para mangampanya sa eleksyon.

“Kasi kung magde-declare yan ng martial law wala nang mag-eleksyon. So it’s really untenable, parang malayong-malayo,” pahayag nito.

Sinabi ni Garin na abala ang pamahalaan sa pagtulong sa sambayanan na maibaba ang presyo ng pagkain at maibaba ang inflation.

Nagbabala ito sa posibleng negatibong kahihinatnan ng pagpapakalat ng fake news. (Vina de Guzman)