• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mariing kinondena ng Bayan Muna ang ginawang pag-archive ng impeachment case laban kay VP Sara  

AYON kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, isa umanong pagtataksil sa panawagan ng mga Pinoy na accountability at isang mapanganib na precedent na sisira umano sa konstitusyon.

“Ang Senate ay tumalikod sa kanilang constitutional duty. By archiving this case, they are essentially telling the Filipino people that high officials can misuse public funds without consequence. The senators are shirking from their sole power to try impeachment. Ang bilis nila mag-archive ng kaso kahit may motion for reconsideration pa. This shows their unwillingness to hold VP Duterte accountable for the alleged misuse of confidential funds,” ani Colmenares.

Iginiit nito na sa ilalim ng Article XI ng konstitusyon ay inioobliga nito ang Senado na dinggin at desisyunan ang lahat ng kaso ng impeachment at ang pagbasura o pag-archive sa reklamo ay malinaw na paggiba sa natitirang mekanismo ng accountability laban sa mga impeachable officials.

“Hindi pwedeng i-archive lang nang ganun-ganun ang impeachment case. The people deserve answers about where the P612.5 million in confidential funds went, and whether recipients like ‘Mary Grace Piattos’ actually exist,” pahayag pa ni Colmenares.

Nagbabala ito na kung ganito ang mangyayariay kahit sinumang corrupt na opisyal ay maaaring maghain ng teknalidad upang maiwasan ang pananagutan.

Ang mga taxpayers, lalo na ang aming mga guro na nagbabayad ng buwis, ay deserve ng transparency sa paggamit ng public funds. The Senate must remember that they serve the Filipino people, not any particular political dynasty. Accountability is not optional—it is a constitutional requirement,” pahayag ni Colmenares. (Vina de Guzman)