Marcial, Watanabe barong Tagalog isusuot sa opening
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
ISUSUOT ng Team Philippines sa opening ceremony ng 32nd Summer Olympic Games 2020 ngayong Hulyo 23 sa Tokyo, Japan ang traditional barong Tagalog na gawa ni world-renowned designer Rajo Laurel.
Magdadala ng bandila ng bansa sina boxer Eumir Felix Marcial at judoka Kiyomi Watanabe sa programang sisimulan sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa ‘Pinas) sa may 68K-seating National Stadium.
Kaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang parade uniforms ng mga atleta, coach at opisyal.
Gawa sa cocoon silk barong na may machine-embroidered pitchera design Muslin inner shirt at light wool black pants ang magiging parade costume ni Marcial.
Samantalang si Watanabe ay yari rin sa cocoon silk short blazer, machine embroidered front at sleeves na may neoprene spaghetti-strapped black inner blouse at neoprene black pants ang irarampa sa seremonyang aabutin ng apat na oras n may 205 kalahok na mga bansa. (REC)