• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:23 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARCH 1, DEADLINE SA MGA DAYUHAN NA MAGPA-FILE NG AR

NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro  sa ahensiya na mayroon na lamang hanggang March 01 upang mag-file ng kanilang 2022 annual report (AR).

 

 

Sinabi ni  BI Commissioner Jaime Morente  na hindi  katulad noong nakaraang taon na nagbigay ang kagawaran ng extension, ngayong taon ay hindi na ito magbibigay ng anumang extension ang kagawaran base sa nakasaad sa  alien registration act na kinakailangan nilang mag-report “in person” sa ahensya sa loob ng 60 days kada calendar year.

 

 

Dagdag  pa ni Morente na papatawan ng sanctions, kabilang ang multa at deportation ang hindi susunod kaya pinapayuhan nito ang lahat na hindi pa nag-file na kumuha ng slot para sa  BI’s online appointment system.

 

 

Sa ilalim ng patakaran, ang lahat ng foreign nationals na rehistrado sa  BI at may hawak na of immigrant at  non-immigrant visas ay obligadong sumundo sa annual reportorial requirement.

 

 

Sa mga magpa-file, kinakailangan nilang ipakita ang kanilang original alien certificate of registration identity card (ACR I-Card)  at valid passport.

 

 

Exempted na personal na pumunta sa kagawaran ay mga dayuhan na may edad 14 pababa at 65 pataas, gayundin ang buntis, PWDs at mentally and physically incapacitated.

 

 

Bukod sa punong tanggapan sa Intramuros Manila maaari din silang magtungo sa iba’t ibang field, district, satellite at  extension offices ng ahensya nationwide. (GENE ADSUARA)