Maraming nagulat kaya nag-trending ang balita: RS at SAM, tikom pa ang bibig sa pagpapaalam ng flagship products ng ‘Frontrow’
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
LIBU-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng FRONTROW International sa socmed ngayon sa pag-anunsyo sa discontinuation ng flagship product niyo na Luxxe White.Trending agad ang announcement sa social media lalo na at reinforced pa ito ng isang malaking “Paalam, Luxxe White” (Goodbye, Luxxe White) billboard sa EDSA-Guadalupe.
Sa ngayon, tikom pa rin ang mga bibig ng mga may-ari ng kumpanya — ang actor-producer na si RS Francisco at ang Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa (SV) — kaya naman di talaga makapaniwala ang mga fans, loyal supporters, at industry insiders.
Wala pa ring nakaka-alam kung ano ang nag-udyok sa di inaasahang balita na ito at patuloy ang madaming spekulasyon business community.
Seryoso ang mga tanong sa biglaang discontinuation ng Luxxe White. Bakit nga ba biglaang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?
Sa nakalipas na 15 taon, na-sustain ng Luxxe White ang posisyon nito bilang isang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal na costumers di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa iba’t-ibang panig din ng daigdig.
Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid; Cha Eun-Woo; Gretchen Barretto; Jinkee Pacquiao; Sachzna; Cristine Reyes; Daniel Padilla; Miss Universe 2018 Catriona Gray; at Vice Ganda, sa mga nag-endorse ng life-changing benefits ng Luxxe White, kaya naman mas lalo pang tumibay ang kredebilidad at pagiging epektibo nito.
Habang patuloy ang bulungan sa health and beauty industry, hindi pa rin binabasag nina RS at Sam ang kanilang katahimikan habang naghihintay ang publiko sa sagot sa tanong ng lahat: bakit tahimik ang Frontrow sa pagbigay ng malinaw at konkretong sagot na magpapaliwanag sa shutdown ng Luxxe White?
(ROHN ROMULO)